Tuesday, November 15, 2011

Philippine Literature: A History and Anthology

Dati, dala ko 'tong librong 'to araw-araw. Kitang-kita ang mga sugat sa binding nito, ebidensya ng madalas na pagbuklat. May isang pahina, kalahati na lang ang nakakabit. Masyadong mabilis ang paglipat, kaya napunit. Sa pahina ng mga nilalaman, makikita ang maraming sulat at highlight. May mga check at crossed-out na entry, simbolo na tapos nang basahin at aralin. Natapos ang subject at nakapasa ako.

Kaya ngayon, patungan na lang siya ng bentilador.

No comments:

Post a Comment